Search
Jan 301 min read
iPhone, Ligtas na Naibalik sa May-ari sa Tulong ng Isang Angateño
Sa gitna ng modernong panahon, muling pinatunayan ng isang Angateño na buhay na buhay ang katapatan at pagmamalasakit sa kapwa. Personal na pinasalamatan ni PCPT Jayson M. Viola, Officer-in-Charge ng Angat Municipal Police Station (MPS), si Ginoong Basilio Toribio dahil sa kanyang pagpapakita ng kabutihang-loob nitong ika-29 ng Enero, 2026. Isinauli ni Ginoong Toribio ang isang nawalang iPhone na pagmamay-ari ni Gng. Elaine Paglinawan mula sa Barangay Sto. Cristo. Sa halip na





















