Angat, Bulacan
Apr 4
PABATID PARA SA LAHAT:
Wala pong transaksyon ang tanggapan ng Municipal Assessor's Office - Angat simula sa ika-tatlo (3) hanggang ika-lima (5) ng Abril, taong...
18 views0 comments
Gawain ng Municipal Assessor’s Office ang maayos at epektibong pangangasiwa sa mga real properties sa loob ng munisipalidad. Ipinatutupad ng tanggapan ang mga batas at polisiya itinakda ng bansa na may kinalaman sa pag-aari ng lupa. Ito ang nagsasagawa ng appraisal at assessment ng mga real properties para sa maaayos na pagbubuwis rito. Sakop rin nila ang pagpaplano at pagpapatupad ng mas episyenteng paraan ng Real Property Tax Collection at ang laging pag-update sa merkado ng mga real properties sa Bayan ng Angat.
Makatugon sa hamon ng makabagong paglilingkod sa pamayanan bilang mga lingcod na mangangasiwa sa pagtatasa ng mga ari-ariang di matitinag.
​
Mapataas ang antas ng pagbibigay ng serbisyo, koleksyon ng buwis at pamahalaan ng wasto ang pagtatasa sa mga ari-ariang di natitinag sang-ayon sa itinadana ng Batas ng Pamahalaang Lokal.
​
Maipamalas at maipadama sa mga nangangailangan sa aming tanggapan ang tapat na paglilingkod upang mapantingkad ang magandang ugnayan ng pamahalaan at ng mga mamayanan lalo na ang mga mamamayang nagbabayad ng buwis.
Ang Tanggapan ng Tagatayang Pambayan na maging huwaran sa pagbibigay ng magandang serbisyo sa mga mamamayan upang mapataas ang koleksyon ng buwis sa mga ari-ariang di natitinag sa Pamahalaang Bayan upang makapagbigay ng sapat at mataas na uri ng serbisyo sa mamamayan.
​
Magkaroon ng maayos na talaan ng mga mamamayang nagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng kompyuter at makatugon sa hamon ng makabagong paglilingkod.
​
Maging isa sa mga huwarang Tanggapan ng Pambansang Tagatasa sa buong kapuluan na may kakayanang makatugon sa mga makabagong pamamaraan ng paglilingkod.