Search


Riza Espiritu, Wagi Muli Bilang Natatanging Mother Leader 2026
Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng Angat kay Gng. Riza Espiritu ng Barangay San Roque matapos nitong muling makamit ang prestihiyosong karangalan bilang Natatanging Mother Leader Grand Winner 2026. Ang kanyang ikalawang magkakasunod na pagkapanalo ay nagsisilbing malinaw na patunay ng kanyang walang sawang dedikasyon, sipag, sakripisyo, at malasakit sa pagsusulong ng mga programa at serbisyong pangnutrisyon para sa mga mamamayan—partikular na para sa mg
23 hours ago1 min read


Playtheme 2026, Naghatid ng Saya sa mga Daycare Learners sa Bayan ng Angat
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Children’s Month 2026 na may temang “Partisipasyon at Edukasyong Patas, Pundasyon ng Ligtas at Makabatang Bukas,” matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang Playtheme 2026 sa Angat Municipal Gymnasium. Pinangunahan ang aktibidad ni Municipal Social Welfare and Development Officer (MSWDO) Menchie M. Bollas, kasama ang mga kawani ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), upang makapagbigay ng masaya at ma
2 days ago1 min read


Lingguhang Flag Raising Ceremony ng LGU Angat, Pinangunahan ng HRMO
Matagumpay na isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat na pinangunahan ng mga kawani mula sa Human Resource Management Office (HRMO). Dinaluhan ang nasabing palatuntunan nina Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, Pangalawang Punong Bayan Igg. Arvin L. Agustin, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga pinuno at kawani ng bawat tanggapan, gayundin ang mga kinatawan mula sa Angat Municipal Police Station (PNP) at Angat Bureau of Fire P
2 days ago1 min read


Mga Programa sa Kapayapaan at Kampanya Kontra Ilegal na Droga, Tinalakay sa Joint Council Meeting ng LGU Angat
Isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang 4th Quarter Joint Council Meeting ng Municipal Peace and Order Council (MPOC), Municipal Anti-Drug Abuse Council (MADAC), at Retooled Community Support Program (RCSP) bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan sa buong bayan. Pinangunahan ang nasabing pagpupulong nina Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, Municipal Local Government Operations Officer (LGOO VI) Cecilia R. Caburnay, at Phi
6 days ago1 min read


Go Asenso Negosyo Caravan, Matagumpay na Idinaos sa Bayan ng Angat
Matagumpay na naisakatuparan ang Go Asenso Negosyo Caravan sa Bayan ng Angat na nilahukan ng humigit-kumulang 120 Micro and Small Enterprises (MSEs) bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas sa lokal na ekonomiya at pagsuporta sa mga negosyante. Ang nasabing programa ay naging posible sa pakikipag-ugnayan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) at Local Economic Development and Investment Promotion Office (LEDIPO), sa pamumuno ni G. Yral Calderon, katuwang ang Sangguni
6 days ago1 min read


LGU Angat, Kinilala ng RPOC Region III para sa Drug-Free Workplace Program
Pinarangalan ang Pamahalaang Bayan ng Angat matapos itong pagkalooban ng Drug-Free Workplace Certification mula sa Regional Peace and Order Council (RPOC) Region III bilang pagkilala sa matagumpay na pagtugon at pagsunod ng lokal na pamahalaan sa mga pamantayan ng Drug-Free Workplace Certification Program. Pormal na iginawad ang nasabing sertipikasyon ngayong Nobyembre 10, 2026 sa Royce Hotel, Clark Freeport Zone. Tinanggap ito ng mga kinatawan ng lokal na pamahalaan na sina
Nov 111 min read


'ANGAT EDUKASYON' Educational Assistance Program, Opisyal na Inilunsad ng Pamahalaang Bayan
Opisyal nang inilunsad ng Pamahalaang Bayan ng Angat, ang programang ANGAT EDUKASYON: Educational Assistance for Students upang magkaloob ng tulong pinansyal sa mga kwalipikadong mag-aaral sa bayan. Bukas ang naturang programa para sa mga lehitimong residenteng nag-aaral sa Junior High School, Senior High School, at Kolehiyo mula Nobyembre 9 hanggang Nobyembre 17, 2026. Upang maging kwalipikado, kinakailangang ang aplikante ay kasalukuyang nag-aaral, may pangkalahatang grado
Nov 101 min read


BFP Angat, Pinangunahan ang Lingguhang Flag Raising Ceremony
Matagumpay na isinagawa ang lingguhang Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Angat na pinangunahan ng mga kawani ng Angat Bureau of Fire Protection (BFP). Sinundan agad ang pambansang seremonya ng isang Banal na Misa na pinamunuan ni Rev. Fr. Peter Collin Crisostomo. Layunin ng nasabing misa ang mag-alay ng pasasalamat sa mga biyayang natatanggap ng pamahalaang lokal at humingi ng patuloy na pagpapala at patnubay para sa paglilingkod sa mamamayan. Nakiisa sa nasabing
Nov 101 min read


Bawas-Presyo sa Produktong Petrolyo, Epektibo sa Nobyembre 10
Naghatid ng magandang balita ang Pamahalaang Bayan ng Angat para sa mga motorista at mamimili matapos ianunsyo ang nakatakdang pagbaba sa presyo ng mga produktong petrolyo na magiging epektibo simula Martes, Nobyembre 10, 2026. Batay sa inilabas na abiso, inaasahang ipatutupad ang mga sumusunod na bawas-presyo o rollback: Gasolina: Bababa ng ₱16.80 kada litro Diesel: Bababa ng ₱4.10 kada litro Kerosene: Bababa ng ₱3.70 kada litro Inaasahang malaki ang maitutulong ng nasabing
Nov 101 min read


500 Benepisyaryo sa Bayan ng Angat, Nakiisa sa DOLE TUPAD Orientation
Matagumpay na isinagawa ang Department of Labor and Employment – Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (DOLE TUPAD) Orientation ngayong Nobyembre 10, 2026 sa Municipal Gymnasium, na dinaluhan ng 500 benepisyaryo mula sa bayan ng Angat. Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa ilalim ng inisyatiba ni Senador Joel Villanueva bilang bahagi ng patuloy na pagbibigay ng pansamantalang hanapbuhay at agarang tulong-pinansyal para sa mga mamamayan. Personal
Nov 101 min read
Unified PWD ID System, Hindi pa Ipinatutupad Ayon sa PDAO at MSWD Angat
Naglabas ng opisyal na abiso ang Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO) at Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng Angat upang linawin na hindi pa kasalukuyang ipinatutupad ang Unified PWD Identification System sa bayan. Ayon sa tanggapan, hinihintay pa sa ngayon ang pinal na abiso at mga kaukulang alituntunin (guidelines) mula sa kinauukulang ahensya bago simulan ang opisyal na implementasyon at pag-iisyu ng nasabing bagong ID system. Kaugnay nito
Nov 91 min read


'Go Asenso Negosyo Caravan' para sa mga Lokal na Negosyante, Ilulunsad sa Bayan ng Angat sa Nobyembre 11
Bilang pagpapalakas sa mga Micro and Small Enterprises (MSEs) sa bayan, magsasagawa ang Pamahalaang Bayan ng Angat, sa pamamagitan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), ng Go Asenso Negosyo Caravan sa Nobyembre 11, 2026 sa Municipal Gymnasium. Isasagawa ang naturang programa sa pakikipagtulungan sa Provincial Cooperative and Enterprise Development Office (PCEDO) at iba pang nasyonal na ahensya ng pamahalaan, kabilang ang Department of Trade and Industry (DTI) at De
Nov 91 min read


Brgy. Banaban, Nagkaisa sa Unang Linis-Barangay Ngayong Nobyembre
Muling nagkaisa ang pamunuan ng Barangay Banaban, Angat, Bulacan at ang mga lokal na residente sa pagsasagawa ng kanilang Weekly Clean-Up Drive ngayong Nobyembre 7, 2026. Nagtulong-tulong ang mga opisyal ng barangay, barangay tanod, at mga boluntaryong mamamayan sa paglilinis ng mga pangunahing kalsada, pag-aalis ng mga nakatambak na basura, at pagtiyak na malinis ang mga kanal sa komunidad. Binigyang-diin ng pamunuan ng barangay na ang patuloy na pagpapatupad ng lingguhang l
Nov 71 min read


Huling Araw ng Pagsusumite para sa NEXT FLIGHT: OFW Spotlight 'BIDA BEST', Pinalawig Hanggang Nobyembre 19
Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na pinalawig ang huling araw ng pagsusumite ng mga kalahok para sa NEXT FLIGHT: OFW Spotlight "BIDA BEST" hanggang Nobyembre 19, 2026. Dahil sa nasabing extension, muling nabuksan ang pagkakataon para sa mga gustong sumali at magwagi ng malalaking premyo sa dalawang pangunahing kategorya ng kumpetisyon: Short Film Competition: 1st Place: ₱25,000 2nd Place: ₱20,000 3rd Place: ₱10,000 Provincial Winners: ₱2,000 Hymn Contest: Grand
Nov 71 min read


Alfamart, Nangangailangan ng Shift Leader at Store Leader sa Angat, Bulacan
Nagbukas ng oportunidad sa trabaho ang Alfamart para sa mga dedikado at may kakayahang mamuno sa kanilang sangay sa bayan ng Angat, Bulacan. Naghahanap ang kumpanya ng mga aplikante para sa dalawang posisyon na may mga sumusunod na kwalipikasyon: 1. Shift Leader Nagtapos ng alinmang apat na taong kurso sa kolehiyo (4-year course) Handang magtrabaho sa shifting schedules, tuwing Sabado at Linggo (weekends), at pista opisyal (holidays) May mahusay na kakayahan sa pamumuno, komu
Nov 71 min read





