top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Sinanay ang Rotaract Club sa Camp Coordination and Camp Management (CCCM)


Upang higit na mapalakas ang papel ng mga Civil Society Organizations (CSOs) sa pagtugon sa sakuna, nagsagawa ang Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng isang masinsinang pagsasanay tungkol sa Camp Coordination and Camp Management (CCCM) nitong ika-15 ng Pebrero.


Ang nasabing pagsasanay ay nilahukan ng mga miyembro ng Rotaract Club of Angat. Layunin nito na palalimin ang kaalaman ng mga kabataang lider pagdating sa pangangalaga sa mga Internally Displaced Persons (IDPs) o mga bakwit sa panahon ng kalamidad o krisis. Sa ilalim ng temang "Stronger Together: CCCM Skills for Resilient Communities," tinalakay ang mga pamantayan sa pagtatayo ng mga kampo o evacuation centers, ang mga kinakailangang pasilidad, at ang mga polisiya na nagpapatakbo sa CCCM.


Nagsilbing mga tagapagturo sa nasabing skills training sina Ma. Lourdes A. Alborida (LDRRM Officer III), Maria Lilibeth F. Trinidad (LDRRM Officer II), at Clarence Emmanuel B. Alba (LDRRM Assistant). Ibinahagi nila ang kahalagahan ng organisadong sistema upang matiyak ang kaligtasan at dignidad ng mga mamamayang pansamantalang nawalan ng tahanan.


Ang aktibidad ay nagtapos sa isang pagkilala sa mga kalahok at sa opisina ng MDRRMO sa pamumuno ni G. Carlos R. Rivera Jr., bilang bahagi ng patuloy na adhikain ni Mayor Reynante "Jowar" S. Bautista na bumuo ng isang komunidad na laging handa at matatag.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page