

Clean-Up Drive sa Barangay Paltok
Bilang pagtatapos ng taon, matagumpay na naisagawa ng Barangay Paltok ang kanilang huling Weekly Clean-Up Drive ngayong araw, Disyembre 27, 2025. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng tuluy-tuloy na programa ng Sangguniang Barangay upang mapanatili ang kalinisan ng komunidad matapos ang pagdiriwang ng Pasko at bilang paghahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon. Sa pangunguna ng mga opisyal at volunteers, nalinisan ang mga pangunahing kalsada at mga daluyan ng tubig upang masiguro a

Angat, Bulacan
Dec 27, 2025








