

Binagbag National High School, Nag-uwi ng Karangalan sa DokyuBata 2025!
Nagbigay ng pagbati ang Municipal Government of Angat sa Binagbag National High School (BNHS) matapos nitong makamit ang malaking karangalan sa pambansang paligsahan na DokyuBata 2025. Ang dokumentaryo ng BNHS na pinamagatang "De Gulong na Edukasyon ng Gintong’Ani Productions" ay nakasama sa Top 10 Finalists mula sa mahigit 180 na kalahok sa buong bansa. Bukod sa pagiging Top 10 Finalist , naiuwi rin ng "De Gulong na Edukasyon" ang Audience Choice Award (Children Division). I

Angat, Bulacan
Dec 11, 2025








