Selebrasyon sa Binagbag: Angat LGU, Naghatid ng Pamasko at Pagpupugay sa mga Senior Citizens at PWDs
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read

Isang makabuluhan at masayang selebrasyon ang isinagawa ng Municipal Government of Angat sa Barangay Binagbag bilang pagpapakita ng pagmamalasakit at pagpupugay sa mga Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWDs) ng komunidad.
Ang pagtitipon ay nagpatunay na ang mga Senior Citizen at PWDs ay patuloy na itinuturing na bahagi, boses, at lakas ng Binagbag.
Ang diwa ng inklusibong serbisyo ay pinagtibay sa pamamagitan ng pamamahagi ng pamasko, masasayang palaro, at iba pang handog-pasasalamat.
Naging mas makabuluhan ang selebrasyon sa pagdalo ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan, na nagpapakita ng kanilang suporta at pagmamalasakit sa pangunguna ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, Konsehal Wowie Santiago, Konsehal JP Solis, MSWDO Head Menchie Bollas at Sangguniang Barangay ng Binagbag sa pamumuno ni Kap. Christopher Villarama








Comments