top of page
bg tab.png

PNP Angat, Matagumpay na Isinagawa ang Replication ng 10KM Fun Run

Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng pangangatawan at disiplina ng mga kawani ng pambansang pulisya, matagumpay na isinagawa ng Angat Municipal Police Station (MPS) ang Replication of 10KM Fun Run nitong ika-18 ng Pebrero, 2026.


Eksaktong alas-6:00 ng umaga nang simulan ng mga personnel ng Angat MPS ang nasabing aktibidad. Ang 10-kilometrong pagtakbo ay hindi lamang isang pisikal na pagsasanay, kundi isang pagpapakita ng kahandaan ng bawat pulis-Angat na tumugon sa anumang hamon ng serbisyo anumang oras.


Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang replication na ito ay alinsunod sa Physical Fitness Program ng Philippine National Police na naglalayong masiguro na ang bawat miyembro ng kapulisan ay nasa tamang kondisyon—physically fit at mentally alert. Ang pagkakaroon ng malakas na pangangatawan ay itinuturing na pundasyon upang makapagbigay ng de-kalidad at mabilis na serbisyo sa mga mamamayan ng Angat.


Matapos ang takbo, binigyang-diin ang kahalagahan ng pagpapanatili ng ganitong uri ng disiplina sa araw-araw na pamumuhay upang magsilbing mabuting ehemplo sa komunidad.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page