Pagbibigay-pugay sa mga Guro at Mag-aaral sa DepEd Day 2026

Ngayong araw, Oktubre 13, 2026, ay ipagdiriwang ang DepEd Day na naglalayong bigyang-diin ang kahalagahan ng edukasyon at kilalanin ang angking talino, talento, at pagkamalikhain ng mga Angatenyo.
Sa pamamagitan ng iba't ibang inihandang patimpalak at palatuntunan, bibigyan ng pagkakataon ang mga kabataang mag-aaral at mga guro mula sa iba't ibang paaralan sa bayan na maipamalas ang kanilang husay at dedikasyon sa iba't ibang larangan.
Ayon sa pahayag ng BPLO Angat, ang nasabing pagdiriwang ay hindi lamang nagpapakita ng galing ng mga mag-aaral kundi isang pormal na pagkilala rin sa dakilang papel ng mga guro sa paggabay, paghubog, at pag-akay sa mga kabataang Angatenyo tungo sa magandang kinabukasan.
Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan at ng BPLO Angat ang buong komunidad na patuloy na suportahan ang mga programa sa edukasyon at ipagmalaki ang sipag at galing ng mga guro at mag-aaral sa bayan ng Angat.










Comments