John Albert at Alyanna Mae, Pinag-isang Dibdib sa Munisipyo
- Angat, Bulacan

- 4 minutes ago
- 1 min read

Isang bagong yugto ng buhay ang sinimulan nina Mr. John Albert Talaña at Mrs. Alyanna Mae Talaña matapos silang pag-isahin sa sakramento ng kasal na pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista.
Ang seremonya ng kasalang sibil ay ginanap sa tanggapan ng Punong Bayan, kung saan naging saksi ang mga mahal sa buhay ng dalawa sa kanilang pagpapalitan ng matatamis na "I do." Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Jowar ang kahalagahan ng katapatan at pagtupad sa mga sinumpaang pangako.
Hinimok din ng Punong Bayan ang bagong kasal na gawing sentro ang Panginoon sa kanilang pagsasama upang maging matatag ang kanilang pundasyon bilang isang pamilya. "Sikapin ninyo na isabuhay ang inyong mga ipinangako sa isa’t isa at laging tandaan na ang Diyos ang dapat na maging gabay ninyo sa lahat ng pagkakataon," paalala ni Mayor Jowar.
Ang pagpapatibay ng mga ganitong pagsasama ay bahagi ng tungkulin ng lokal na pamahalaan na isulong ang matatag at masayang pamilyang Angateño na siyang pundasyon ng isang maunlad na komunidad.









Comments