EO No. 64, Idineklara ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa Ligtas na Undas 2026

Inilabas ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa pamumuno ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista ang Executive Order No. 64, Series of 2026 na naglalaman ng mga opisyal na gabay at alituntunin para sa paggunita ng Ligtas na Undas 2026.
Laman ng nasabing utos ang mga patakarang dapat sundin ng publiko sa pagdalaw sa mga pampubliko at pampribadong sementeryo sa buong bayan mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2, 2026.
Ipinapaalala sa mga Angatenyo ang mahigpit na pagtupad sa itinakdang oras ng pagdalaw, ang tamang paggamit ng mga italagang pasukan at paradahan, ang pagpapanatili ng kalinisan sa paligid, at ang pagsunod sa listahan ng mga ipinagbabawal na gamit at gawain sa loob ng sementeryo.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalaga ang buong disiplina at pakikiisa ng bawat mamamayan upang matiyak ang isang ligtas, maayos, at mapayapang pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay.










Comments