top of page
bg tab.png

Local School Board ng Angat, Nagpulong para sa Edukasyon at Badyet para sa taong 2027

12 hours ago
1 min read

Isinagawa sa Municipal Conference Hall ang opisyal na pagpupulong ng Local School Board (LSB) ng Bayan ng Angat sa pangunguna ni Tagamasid Pampurok Dr. Guillermo Flores, kasama si Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, Konsehal Luis J. Santiago, at iba pang miyembro ng lupon.


Sentro ng nasabing pagpupulong ang ulat ukol sa paggamit ng pondo para sa ikatlong kwarter, ang kasalukuyang estado ng mga pagkukumpuni sa FFIES at BNHS, pati na rin ang mga naisakatuparang programa sa ilalim ng LSB Fund.



Tinalakay rin ng lupon ang mga paghahanda para sa pagho-host ng EDDIS VI 2026 Athletic Meet at Division Schools Press Conference, ang pagbalangkas sa iminumungkahing badyet ng edukasyon para sa taong 2027, ang Boy Scouts of the Philippines (BSP) Award, at iba pang mahahalagang usapin pampaaralan.


Binigyang-diin ng Pamahalaang Bayan ng Angat na patuloy nilang isinusulong, sa pamamagitan ng LSB, ang maayos at transparent na pamamahala ng pondo upang mapabuti ang mga pasilidad, masuportahan ang mga guro, at maiangat ang pangkalahatang kalidad ng edukasyon para sa mga mag-aaral sa buong bayan.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page