DOLE TUPAD Orientation para sa mga Bagong Benepisyaryo, Isinagawa sa Angat

Isinagawa ngayong araw, Oktubre 28, 2026, ang oryentasyon para sa mga bagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Municipal Evacuation Center sa Bayan ng Angat.
Ang nasabing oryentasyon ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan (PGB), Public Employment Service Office (PESO), at ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa ginanap na oryentasyon, binigyan ng malinaw na oryentasyon at gabay ang mga bagong benepisyaryo ukol sa kanilang mga magiging tungkulin at gawain, pati na rin sa mga benepisyong kanilang matatanggap sa ilalim ng nasabing emergency employment program.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang programang ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ng LGU Angat na magkaloob ng pansamantalang pangkabuhayan at mga oportunidad para sa bawat pamilyang Bulakenyo.










Comments