Barangay Taboc, Itinanghal na Kampeon sa Indakan sa Kalye 2026

Matagumpay at masiglang naidaos ang Indakan sa Kalye 2026 na nagpaningning sa lansangan sa pamamagitan ng natatanging talento, malikhaing galaw, at nag-aalab na diwa ng kabataang Angatenyo bilang bahagi ng mga tampok na aktibidad sa bayan.
Anim na barangay ang nagtagisan ng galing sa pamamagitan ng sayaw upang ipamalas ang kanilang kahandaan, dedikasyon, at kakayahang magbigay-buhay sa bawat ritmo at kumpas ng musika.
Itinanghal bilang kampeon (Champion) ang delegasyon mula sa Barangay Taboc matapos magpamalas ng kakaibang enerhiya at husay sa pagtatanghal. Nasungkit naman ng Barangay Sta. Lucia ang 1st Runner-Up, samantalang nakuha ng Barangay Niugan ang 2nd Runner-Up kasama ang espesyal na parangal na Best in Costume.
Pinarangalan din at pinasalamatan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang aktibong pakikilahok at kahanga-hangang pagtatanghal ng mga kinatawan mula sa Barangay Pulong Yantok, Barangay Sto. Cristo, at Barangay Encanto. Nagpaabot ng taos-pusong pagkilala ang lokal na pamahalaan sa lahat ng mga mananayaw, tagasanay, at mga tagasuporta na nagbigay-kulay at buhay sa matagumpay na selebrasyon.










Comments