Angat PNP, Pinangunahan ang Lingguhang Flag Raising Ceremony sa Pamahalaang Bayan
Updated: 8 hours ago

Muling nagtipon ang mga lingkod-bayan at kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat para sa isinagawang Lingguhang Flag Raising Ceremony sa pangunguna ng mga kasapi ng Angat Municipal Police Station (PNP).
Naging layunin ng aktibidad na paalalahanan ang bawat kawani ng pamahalaan sa kanilang panumpaang tungkulin na maglingkod nang may mataas na antas ng dangal, disiplina, at buong pusong dedikasyon para sa kapakanan ng mamamayang Angatenyo.

Personal na nakiisa sa seremonya sina Konsehal John Patrick DC. Solis at Konsehal Evelyn J. Cruz, kasama ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at mga empleyado ng pamahalaang bayan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang patuloy na pagdaraos ng Lingguhang Flag Raising Ceremony ay mahalagang bahagi ng pagpapanatili ng pagkakaisa, maayos na koordinasyon, at matatag na pampublikong serbisyo sa buong bayan.











Comments