Mga Natatanging Magsasaka at Mangingisda, Pinarangalan sa Gawad Linang 2026 sa Bayan ng Angat

Bilang mahalagang bahagi ng pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026, matagumpay na isinagawa ang Gawad Linang 2026 upang kilalanin at bigyang-pugay ang mga natatanging magsasaka, mangingisda, at mga nag-aalaga ng hayop sa Bayan ng Angat.
Pinangunahan ng Municipal Agriculture Office, sa pamumuno ni Engr. Rose Vee Perez-Dulay, ang ginanap na parangal. Dumalo sa makabuluhang aktibidad si Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, kasama si G. George Bautista na kinatawan ni Kongresista Salvador Pleyto, sina Konsehal Luis J. Santiago, Konsehal John Patrick DC. Solis, Konsehal William Vergel De Dios, at Konsehal Ramiro Osorio, gayundin ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan ng pamahalaang bayan at mga kasapi ng mga lokal na samahan ng agrikultura.
Ipinagkaloob ang prestihiyosong pagkilalang Gawad Linang Awardee 2026 kay Gng. Virginia Santos mula sa Barangay Binagbag. Ginawaran din ng Special Citation sina G. Joel Ramos, G. Isaias Camposano Jr., at Gng. Rhodora Mendoza na lahat ay nagmula sa Barangay Marungko.
Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang pagbibigay ng ganitong parangal ay naglalayong muling bigyang-halaga ang mahalagang ambag ng mga mamamayan sa sektor ng agrikultura sa pagpapanatili ng seguridad sa pagkain at sa patuloy na pagtataguyod ng isang masagana, matatag, at maunlad na pamayanan.










Comments