top of page
bg tab.png

Tinatayang 3,000 Mamamayan ng Angat, Nakatanggap ng Tulong-pinansyal sa Isinagawang AICS Payout

7 hours ago
1 min read

Tinatayang 3,000 mamamayan mula sa bayan ng Angat ang naging benepisyaryo ng tulong-pinansyal sa isinagawang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Payout, sa pamamagitan ng suporta ni Senador Joel Villanueva.


Pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), sa pamumuno ni Gng. Menchie M. Bollas, katuwang ang mga lokal na daycare workers, ang maayos at organisadong pamamahagi ng ayuda upang maipaabot nang mabilis ang kinakailangang suporta sa mga residente.



Personal na nakiisa sa aktibidad si Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista kasama si Konsehal John Patrick DC. Solis upang ipaabot ang kanilang buong suporta sa mga programang pampubliko na naglalayong maibsan ang pinansyal na pasanin ng mga pamilyang nangangailangan sa bayan.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa pambansang pamahalaan at mga pambansang pinuno ay mahalaga upang mas marami pang kapaki-pakinabang na serbisyo at tulong-pinansyal ang maipagkaloob sa mga Angatenyo.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page