top of page
bg tab.png

Barangay Sulucan, Itinanghal na Back-to-Back Champion sa Hapag ng Pamana ng LGU Angat

11 minutes ago
1 min read

Itinanghal na Back-to-Back Champion ang Barangay Sulucan sa katatapos lamang na Hapag ng Pamana, na isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang at pagtataguyod sa mga lokal na produkto ng Bayan ng Angat.


Siyam na barangay ang nagtagisan ng galing sa kusina sa ilalim ng temang "Mula sa Ani Hanggang sa Hapag, Pamanang Angatenyo." Bawat kalahok na barangay ay naghanda ng tatlong natatanging putahe na tampok ang gabi at iba pang lokal na sangkap ng Angat upang maipamalas ang pagkamalikhain, yaman ng tradisyon, at pangkulinaryong kultura ng bayan.



Nanguna sa kompetisyon sina Jay Robert Capistrano at Jan Donato Joaquin ng Barangay Sulucan upang makuha ang kampeonato. Isinunod sa kanila sina Ria Aquino Agustin at Ruffa Aquino Garcia ng Barangay Sta. Cruz bilang 1st Runner-Up, habang nakamit naman nina Nicka Jane Escribano at Jake San Pedro ng Barangay Encanto ang 2nd Runner-Up.


Narito ang opisyal na resulta ng Hapag ng Pamana:

  • Champion (Back-to-Back): Barangay Sulucan (Jay Robert Capistrano at Jan Donato Joaquin)

  • 1st Runner-Up: Barangay Sta. Cruz (Ria Aquino Agustin at Ruffa Aquino Garcia)

  • 2nd Runner-Up: Barangay Encanto (Nicka Jane Escribano at Jake San Pedro)


Nagpaabot ng taos-pusong pagbati at pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng mga nagwagi at nakiisang barangay. Ayon sa lokal na pamahalaan, higit sa isang paligsahan, ang aktibidad ay isang mahalagang hakbang upang buhayin ang diwa ng pagtangkilik sa sariling ani at pagpapahalaga sa pamanang kulinaryo ng Bayan ng Angat.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page