top of page
bg tab.png

Kadiwa ng Pangulo sa Angat, Nagdala ng Abot-kayang Gulay, Bigas, at Lokal na Produkto

11 minutes ago
1 min read

Matagumpay na isinagawa sa Municipal Grounds ng Bayan ng Angat ang programang Kadiwa ng Pangulo, na naglalayong maghatid ng murang bilihin, sariwang gulay, abot-kayang bigas, at iba't ibang lokal na produkto para sa mga mamamayang Angatenyo.


Nakiisa sa nasabing aktibidad ang Federation of Angat Farmers, kung saan nag-alok sila ng mga sariwang produktong agrikultural upang mas madaling makabili ang publiko ng de-kalidad at murang pagkain, habang direktang nabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na magsasaka na maibenta ang kanilang mga ani nang walang middlemen.



Pinangasiwaan ang programa ng mga kawani ng Municipal Agriculture Office, sa pakikipagtulungan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO), Provincial Agriculture Office, at mga Farmer Cooperative Associations sa bayan.


Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang patuloy na pagtataguyod ng Kadiwa ng Pangulo ay bahagi ng adbokasiya na suportahan ang sektor ng agrikultura, palakasin ang kabuhayan ng mga lokal na magsasaka, at tiyakin ang seguridad sa pagkain at mas mababang gastusin para sa bawat pamilyang Angatenyo.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page