MCRO, Nag-abiso sa Iskedyul ng Pagkuha ng PSA Documents sa Pamamagitan ng BREQS Outlet

Naglabas ng pampublikong abiso ang Angat Municipal Civil Registry Office (MCRO) para sa mga mamamayang nais kumuha ng kopya ng kanilang Philippine Statistics Authority (PSA) documents tulad ng Birth Certificate, Marriage Certificate, Death Certificate, at CENOMAR.
Maaaring magtungo ang mga mamamayan sa tanggapan ng MCRO sa loob ng Pamahalaang Bayan ng Angat mula Lunes hanggang Biyernes, 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, upang magproseso ng kanilang mga kailangang dokumento sa pamamagitan ng PSA Batch Request System (BREQS) Outlet.
Inihayag ng MCRO ang opisyal na iskedyul para sa kasalukuyang batch ng aplikasyon:
Petsa ng Paghiling (Request Date): Oktubre 14 hanggang Oktubre 21, 2026
Huling Araw at Oras ng Pagpasa (Cut-off Date & Time): Oktubre 21, 2026, 3:00 ng hapon
Araw ng Paglabas ng Dokumento (Release Date): Nobyembre 3, 2026
Ayon sa pamunuan ng MCRO, ang pagproseso ng mga dokumento sa ilalim ng PSA BREQS ay nangangailangan ng dalawang linggo (two weeks processing). Ipinapaalala rin ng tanggapan na mahigpit na ipinatutupad ang patakarang "No Payment, No Process" sa lahat ng aplikasyon.









Comments