Barangay Taboc, Itinanghal na Overall Champion sa Laro ng Laking GulayAngat 2026

Itinanghal na Overall Champion ang Barangay Taboc matapos manguna sa masiglang pagpapatuloy ng Laro ng Laking GulayAngat 2026, isa sa mga pangunahing tampok sa pagdiriwang ng GulayAngat Festival 2026 ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Ipinamalas ng mga kabataang Angatenyo mula sa iba't ibang barangay ang kanilang husay, lakas, sportsmanship, at pagkakaisa sa pamamagitan ng pagtatagisan sa iba't ibang tradisyunal at katutubong larong Pinoy.
Susunod sa Barangay Taboc na nagkamit ng parangal ang Barangay San Roque bilang 2nd Place at Barangay Binagbag bilang 3rd Place.
Narito ang opisyal na talaan ng mga nagwagi sa bawat kategorya ng laro:
Agawang Biik
1st Place: Barangay Binagbag
2nd Place: Barangay Marungko
3rd Place: Barangay San Roque
Sack Race
1st Place: Barangay Taboc
2nd Place: Barangay San Roque
3rd Place: Barangay Sto. Cristo
Tiyakad
1st Place: Barangay Laog
2nd Place: Barangay Marungko
3rd Place: Barangay Binagbag
Palo Sebo
1st Place: Barangay Taboc
2nd Place: Barangay Sulucan
3rd Place: Barangay Binagbag
Tug of War
1st Place: Barangay San Roque
2nd Place: Barangay Taboc
3rd Place: Barangay Sulucan
Sepak Takraw
1st Place: Barangay Encanto
2nd Place: Barangay Marungko
3rd Place: Barangay Taboc
Malugod na binati ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang lahat ng mga nagwagi at nakiisang barangay. Ayon sa pamahalaang bayan, higit sa mga medalya at karangalan, ang tunay na tagumpay ng aktibidad ay ang pagtataguyod ng aktibong pamumuhay, disiplina, at matatag na samahan ng mga kabataan sa bayan ng Angat.









Comments