top of page
bg tab.png

Angat Market Office, Pinangunahan ang Flag Raising Ceremony

2 days ago
1 min read

Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang kanilang Lingguhang Flag Raising Ceremony na pinangunahan ng mga kawani ng Angat Public Market Office, bilang pagpapakita ng pagkakaisa, disiplina, at tapat na paglilingkod sa bayan.


Kasabay ng nasabing palatuntunan, pormal na iginawad ang pagkilala sa Angat Public Market Office para sa kanilang natatanging tagumpay sa katatapos lamang na Huwarang Palengke 2026, kung saan nakamit ng pamilihan ang ikalawang puwesto sa buong Lalawigan ng Bulacan.



Pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista ang pagbibigay ng parangal, na sinaksihan nina Konsehal William Vergel De Dios, Konsehal John Patrick DC. Solis, Konsehal Evelyn J. Cruz, mga pinuno ng iba't ibang tanggapan sa munisipyo, pati na rin ang mga kinatawan mula sa Angat Philippine National Police (PNP), Angat Bureau of Fire Protection (BFP), at mga kawani ng lokal na pamahalaan.


Ayon sa Pamahalaang Bayan ng Angat, ang lingguhang aktibidad at ang natanggap na parangal ng Market Office ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng buong pamunuan na maghatid ng maayos, ligtas, at de-kalidad na serbisyo-publiko para sa lahat ng mamamayang Angatenyo.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page