Iba't ibang Grupo ng Zumba, Magsasama-sama sa Gaganaping Zumba Marathon sa Huling Gabi ng Angat Food Park 2026

Nakatakdang idaos ang isang kapana-panabik na Zumba Marathon ngayong Sabado, Oktubre 24, 2026, bilang opisyal na pagtatapos ng Angat Food Park 2026 sa pangangasiwa ng Pamahalaang Bayan ng Angat.
Magsasama-sama ang iba't ibang accredited na Zumba groups sa bayan upang maghatid ng kani-kanilang natataglay na sigla at mga natatanging performance sa huling gabi ng pagdiriwang.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pagsasagawa ng Zumba Marathon ay naglalayong magbigay ng masaya at malusog na pamamaalam para sa matagumpay na operasyon ng Food Park, habang patuloy na isinusulong ang pagkakaisa at aktibong pamumuhay sa komunidad.
Inaanyayahan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang buong mamamayan na dalo, makiisa, at suportahan ang mga lokal na grupo ng Zumba sa kanilang huling hataw, habang huling araw na tumatangkilik sa masasarap na pagkain mula sa mga lokal na negosyante sa bayan.










Comments