top of page
bg tab.png

Homecity, Magdaraos ng Local Recruitment Activity

3 days ago
1 min read


Magsasagawa ng isang Local Recruitment Activity (LRA) ang kumpanyang Homecity para sa bakanteng posisyong Human Resources Administration.


Gaganapin ang nasabing aktibidad sa darating na Oktubre 26, 2026, sa ganap na ika-9:00 ng umaga na idaraos mismo sa sangay ng Homecity sa Barangay Sta. Cruz, Angat, Bulacan.

Bukas ang aplikasyon para sa mga nakapagtapos ng Bachelor’s Degree sa Psychology, Human Resources, Business Administration, o alinmang kaugnay na kurso. 



Tinatanggap sa posisyon ang mga aplikanteng may karanasan man o mga fresh graduates na wala pang nakaraang karanasan sa trabaho, basta't may batayang kaalaman sa paggamit ng mga Microsoft Office applications tulad ng Word, Excel, at PowerPoint.


Para sa mga nagnanais lumahok sa rekrutment, kinakailangang magpatala muna sa opisyal na online registration form sa link na [https://forms.gle/LXV3NFhaQZsgF9sS7](https://forms.gle/LXV3NFhaQZsgF9sS7) at kumuha ng screenshot ng patunay ng rehistrasyon. Ang nasabing screenshot kasama ang na-update na resume ang ipipresenta ng aplikante sa araw ng panayam sa Homecity.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page