top of page
bg tab.png

Daycare Learners sa Angat, Nagpamalas ng Husay sa Ginanap na Children’s Congress 2026

12 hours ago
1 min read

Matagumpay na isinagawa sa Municipal Conference Hall ang Children’s Congress 2026 sa pangangasiwa ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Pamahalaang Bayan ng Angat, na tumalakay sa temang "Manindigan, Tumugon, at Kumalinga: sa Batang Handa, Mas Ligtas ang Bansa."


Naging pangunahing tampok sa nasabing aktibidad ang Poem Recitation Contest kung saan ipinamalas ng mga mahuhusay na daycare learners sa bayan ang kanilang natatanging talento, husay sa pagbigkas, at matatag na tiwala sa sarili.



Ayon sa lokal na pamahalaan, sa kabila ng murang edad ng mga batang kalahok, naiparamdam at maayos nilang naipahatid sa madla ang mahahalagang mensahe ng pag-asa, pagmamahal, at malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng kanilang pagtula.


Binigyang-diin ng LGU Angat ang kahalagahan ng pagdaraos ng mga ganitong programa upang gabayan at hubugin ang kakayahan ng mga bata habang maaga, bilang bahagi ng patuloy na pagtataguyod sa karapatan at kapakanan ng kabataan sa komunidad.


Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page