top of page
bg tab.png

Buwanang Pagpupulong ng BUMALI, Idinaos sa Bayan ng Angat

17 hours ago
1 min read

Matagumpay na idinaos sa Bayan ng Angat ang buwanang pagpupulong ng mga miyembro at opisyal ng Bulacan Market Administration League, Inc. (BUMALI), sa pangunguna ng Market Master ng bayan na si Engr. Lauro DC. Sarmiento.


Naging pangunahing layunin ng pagtitipon ang pagpapatibay ng ugnayan ng mga administrador at tagapangasiwa ng mga pampublikong pamilihan sa iba't ibang bayan at lungsod sa buong lalawigan ng Bulacan.



Tinalakay sa pagpupulong ang mga sama-samang pagsisikap, estratehiya, at pagbabahaginan ng kaalaman upang higit pang mapahusay at maayos ang pangangasiwa sa mga pamilihang bayan. Layunin din nitong mas mapaglingkuran nang maayos at tapat ang mga mamimili at mga lokal na mangangalakal.


Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Pamahalaang Bayan ng Angat sa lahat ng mga kinatawan mula sa iba't ibang munisipalidad at lungsod sa Bulacan na dumalo at nakiisa sa nasabing pagpupulong.



Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page