MDRRMO Angat, Nagsagawa ng BDRRM Plan Review sa 6 na Barangay (Day 2)
- Angat, Bulacan

- Nov 13
- 1 min read

Ipinagpatuloy ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat ang kanilang Barangay Disaster Risk Reduction and Management (BDRRM) Plan Review ngayong araw, Nobyembre 13, 2025, para sa ikalawang araw ng aktibidad.
Sumailalim sa masusing review ang mga plano ng anim (6) na barangay:
Barangay Laog
Barangay Niugan
Barangay Binagbag
Barangay Banaban
Barangay San Roque
Barangay Taboc
Ang aktibidad ay isinagawa ng Municipal DRRM Plan Review Team, na binubuo ng mga kinatawan mula sa iba't ibang ahensya, sa pangunguna ni G. Carlos R. Rivera Jr., MGDH I (MDRRMO). Kabilang sa Review Team ang mga kinatawan mula sa:
Municipal Budget Office (MBO)
Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO)
Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO)
Municipal Planning and Development Office (MPDO)
MLGOO ng Bayan ng Angat
Layunin ng hakbang na ito na mabusisi ang mga plano ng barangay sa pagpapaigting ng mga proyekto, programa, at aktibidad na tutugon sa pagpapalakas ng Disaster Preparedness Capability at pagsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang epekto ng kalamidad.









Comments