Pulisya ng Angat, Nagsagawa ng Inspeksyon sa mga Warehouse Laban sa ‘Agricultural Sabotage’
- Angat, Bulacan

- 1 day ago
- 1 min read
Updated: 13 hours ago

Bilang bahagi ng mahigpit na pagpapatupad ng bagong batas na Republic Act 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act of 2024, nagsagawa ng sorpresang visitasyon at inspeksyon ang Angat Municipal Police Station (MPS) sa mga warehouse at cold storage facilities sa loob ng munisipalidad nitong ika-27 ng Pebrero, 2026.
Ang operasyon na nagsimula bandang alas-nuwebe ng umaga ay pinangunahan ni PCpt Jayson M. Viola, OIC ng Angat MPS. Katuwang sa nasabing aktibidad ang mga tauhan mula sa Bureau of Fire Protection (BFP), Business Permits and Licensing Office (BPLO), at iba pang kaukulang ahensya ng pamahalaan.









Comments