Huling Sabado ng Pebrero, Ginugol sa Clean-Up Drive ng Barangay Sta. Cruz
- Angat, Bulacan

- Feb 28
- 1 min read

Hindi naging hadlang ang pagtatapos ng buwan upang ipagpatuloy ng Sangguniang Barangay ng Sta. Cruz ang kanilang dedikasyon sa kalinisan matapos matagumpay na isagawa ang Weekly Clean-Up Drive ngayong Sabado, ika-28 ng Pebrero, 2026.
Ang huling aktibidad ng paglilinis para sa buwan ng Pebrero ay pinangunahan ng mga opisyales ng barangay, kasama ang mga masisipag na barangay workers, tanod, at mga volunteers. Layunin ng inisyatibong ito na masiguro na ang bawat purok ay mananatiling malinis at handa sa pagpasok ng susunod na buwan.









Comments