Bayanihan sa Marungko: Ipinamalas ng mga Residente at Opisyales
- Angat, Bulacan

- Feb 28
- 1 min read

Bilang bahagi ng patuloy na kampanya para sa isang mas maayos at ligtas na komunidad, muling nagkaisa ang Sangguniang Barangay ng Marungko kasama ang mga residente para sa isinagawang Weekly Clean-up Drive ngayong Sabado, ika-28 ng Pebrero, 2026.
Ang lingguhang aktibidad na ito ay isinasagawa upang matiyak na ang bawat purok ay malinis, maayos, at malayo sa anumang banta ng sakit na dulot ng maruming paligid.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat ang Sangguniang Barangay sa lahat ng mga nakiisa at nag-alay ng kanilang oras at lakas sa nasabing bayanihan. Ayon sa mga opisyales, ang kooperasyon ng publiko ay mahalaga upang mapanatiling "Top Performing" ang barangay sa aspeto ng sanitasyon at environmental protection.
Hinihikayat ang lahat na gawing habit ang paglilinis sa kani-kanilang tapat ng bahay araw-araw upang maging inspirasyon sa iba pang mga karatig-barangay









Comments