top of page
bg tab.png

Binagbag National High School, Nag-uwi ng Karangalan sa DokyuBata 2025!


ree

Nagbigay ng pagbati ang Municipal Government of Angat sa Binagbag National High School (BNHS) matapos nitong makamit ang malaking karangalan sa pambansang paligsahan na DokyuBata 2025.


Ang dokumentaryo ng BNHS na pinamagatang "De Gulong na Edukasyon ng Gintong’Ani Productions" ay nakasama sa Top 10 Finalists mula sa mahigit 180 na kalahok sa buong bansa.


Bukod sa pagiging Top 10 Finalist, naiuwi rin ng "De Gulong na Edukasyon" ang Audience Choice Award (Children Division). Ito ay nagpapakita ng matibay na suporta mula sa mga magulang, guro, at kabataan na nagtiwala sa kanilang kwento.


Pinuri ng LGU ang mga indibidwal sa likod ng tagumpay, Director Mark Roy P. Celoza, Coach Niel Patrick G. Santos at sa pagsuporta ni Punong Guro Richard C. Bagtas, nabuo ang isang dokumentaryong nagpakita ng tunay na husay, pagkamalikhain, at malasakit ng mga kabataang Pilipino.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page