top of page
bg tab.png

MJSB, Tagumpay na Naisagawa sa Binagbag


Patuloy ang masigasig na paghahatid ng tulong ng Pamahalaang Bayan ng Angat matapos ang isinagawang Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) sa Brgy. Binagbag kamakailan. Humigit-kumulang 571 benepisyaryo ang nakatanggap ng libreng serbisyong panlipunan at pangkalusugan sa nasabing aktibidad.


Pinangunahan ni Punong Bayan Reynante S. Bautista, katuwang si Vice Gov. Alex Castro at mga miyembro ng Sangguniang Bayan, ang programa na naglalayong ilapit ang gobyerno sa mga mamamayan. Sa kabuuang bilang, 450 residente ang nabigyan ng direktang serbisyo, 26 ang sumailalim sa dalaw-bahay, at 95 mag-aaral ang naging bahagi ng school health services.



Tampok din sa aktibidad ang Dental Health Services at Personal Hygiene Seminar sa Francisco F. Illescas School, na pinangasiwaan nina Dra. Monina Manuel, Dr. Patrick De Guia, at Dr. Primo De Guia. Katuwang sa tagumpay ng programa ang Damayan sa Barangay (DSB), Angat Eye Clinic, Angat Kalusugan, JOWABLE Youth, at ang Sangguniang Barangay ng Binagbag sa pamumuno ni Kap. Christopher Villarama.


Ang inisyatibong ito ay bahagi ng pangako ng administrasyong Bautista na maghatid ng tapat, maagap, at may malasakit na serbisyo sa bawat sulok ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page