RHU Angat, Nagsagawa ng Buntis Party para sa Kalusugan ng Ina at Bata sa Brgy. Donacion
- Angat, Bulacan

- 2 days ago
- 1 min read
Updated: 21 hours ago

Isang masaya at makabuluhang Buntis Party ang inilunsad ng Angat Rural Health Unit (RHU) nitong ika-13 ng Pebrero, 2026, sa Donacion Health Station, Barangay Donacion.
Sa ilalim ng temang “Buntis-ugnayan, isang kaligayahan at kahandaan, ating pagplanuhan,” nagtipon-tipon ang mga mommies-to-be upang makakuha ng mahahalagang kaalaman sa tamang pag-aalaga sa sarili at sa kanilang dinadalang sanggol.
Layunin ng aktibidad na ito na gawing mas positibo at handa ang karanasan ng pagbubuntis para sa mga kababaihan sa komunidad.
Sentro ng talakayan ang mga paksang maternal health at tamang childcare. Nagkaroon din ng mahalagang oryentasyon tungkol sa HIV testing and awareness at oral health upang masigurong ligtas ang kalusugan ni mommy at ni baby mula sa anumang komplikasyon. Bukod sa mga lektura, naging pagkakataon din ito para sa mga ina na magbahagi ng kanilang mga karanasan at kwento.
Nagpasalamat ang RHU Angat sa lahat ng nakiisa at sumuporta sa nasabing programa. Ayon sa pamunuan, patuloy ang kanilang pagsisikap na itaguyod ang mga programang pangkalusugan na tumitiyak sa ligtas na panganganak at malusog na kinabukasan para sa bawat batang Angateño.









Comments