Flag Raising Ceremony, Pinangunahan ng Municipal Assessor’s Office
- Angat, Bulacan
- 16 hours ago
- 1 min read

Sinimulan ng mga kawani ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang linggo nang may disiplina at pananampalataya sa isinagawang Flag Raising Ceremony ngayong Lunes, ika- 16 ng Pebrero sa harap ng Municipal Hall.
Ang seremonya ngayong linggo ay pinangunahan ng Municipal Assessor’s Office. Nakiisa sa nasabing aktibidad si Punong Bayan Igg. Reynante S. Bautista, kasama sina Konsehal Wowie Santiago, Konsehal Blem Cruz, at Konsehal JP Solis. Dumalo rin ang mga kapulisan mula sa Angat PNP, mga bumbero mula sa Angat BFP, mga pinuno ng iba’t ibang departamento, at lahat ng kawani ng munisipyo.

Matapos ang pagtataas ng watawat at pagbibigay ng mga anunsyo, sinundan ito ng isang maikling Bible Study. Layunin nito na magbigay ng espirituwal na gabay at inspirasyon sa mga lingkod-bayan bago simulan ang kanilang trabaho para sa linggong ito. Ang pag-aaral ng Salita ng Diyos ay pinangunahan ng mga pastor mula sa Angat Christian Ministerial Association (ACMA).





