Angat MPS at TMU, nagkasa ng Traffic Assistance para sa Ligtas Undas 2026

Nagsagawa ng Traffic Assistance ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) katuwang ang Traffic Management Unit (TMU) ngayong Oktubre 31, 2026, simula ika-10:00 ng umaga bilang bahagi ng operasyong Ligtas Undas 2026.
Ang nasabing aktibidad ay pinamunuan ni PCPT Lydio V. Venigas, Deputy Chief of Police (DCOP), sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police ng Angat MPS.
Layunin ng operasyon na magbigay ng gabay at saklolo sa mga biyahero, palakasin ang police presence sa mga kalsada at sementeryo, at maiwasan ang anumang krimen kaugnay ng umiiral na heightened alert status sa buong lalawigan.
Ayon sa Angat MPS, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga pampublikong tanggapan upang tiyakin ang ligtas, maayos, at panatag na paggunita ng Undas 2026 para sa bawat Angatenyo.










Comments