Police Presence, Pinalakas ng Angat MPS para sa Undas 2026

Nagsagawa ng patuloy na pagbabantay at pagmamando sa mga inilagay na Police Assistance Desks (PADs) ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police, ngayong Oktubre 31, 2026, simula ika-9:00 ng umaga.
Isinagawa ang nasabing operasyon katuwang ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Angat, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs) at Barangay Tanod, Traffic Management Unit (TMU), at iba pang mga pampublikong organisasyon (NGOs).
Layunin ng pinaigting na police visibility na tiyakin ang seguridad sa mga sementeryo, bus terminal, at mga pampublikong pasyalan kung saan inaaasahan ang dagsa ng mamamayan, pati na rin ang pagpigil sa anumang uri ng krimen sa ilalim ng umiiral na heightened alert status.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, ang aktibong kolaborasyon ng kapulisan at ng mga local response team ay mahalagang hakbang upang mapanatili ang isang panatag, maayos, at ligtas na paggunita ng Undas 2026 sa buong Bayan ng Angat.










Comments