Ligtas Undas 2026: Seguridad sa mga Sakayan ng Bus, Hinigpitan ng Angat MPS

Nagsagawa ng pag-iikot at inspeksyon sa mga terminal ng bus ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (MPS) sa pamumuno ni PCPT Lydio V. Venigas, Deputy Chief of Police (DCOP), sa ilalim ng pamamahala ni PMAJ Joel M. Alba, Chief of Police, ngayong Oktubre 31, 2026, humigit-kumulang ika-9:00 ng umaga.
Ang nasabing inspeksyon ay bahagi ng mga hakbangin ng kapulisan sa ilalim ng operasyong Ligtas Undas 2026 upang tiyakin ang kaligtasan ng pampublikong transportasyon at ng mga biyaherong umuuwi sa bayan upang bumisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Layunin din ng aktibidad na mapanatili ang kaayusan sa mga terminal, maiwasan ang anumang insidente ng krimen, at magbigay ng mabilisang saklolo o tulong sa mga pasahero sa oras ng pangangailangan.
Ayon sa pamunuan ng Angat MPS, patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga pangunahing sakayan at pampublikong pasilidad upang maging panatag at maayos ang pagbibiyahe ng bawat Angatenyo ngayong panahon ng Undas.










Comments