Angat Tourism, Inilabas ang Listahan ng ‘Top 12 Finalists’ sa National Arts Month Photography Contest
- Angat, Bulacan

- 5 days ago
- 1 min read

Pormal nang ipinakilala ng Municipal Tourism Office ang labindalawang (12) mahuhusay na litratista na nakakuha ng pwesto sa National Arts Month 2026 Photography Competition.
Sa ilalim ng temang “Tahimik na Giting: Mga Kuwento ng Araw-araw,” sinala mula sa maraming kalahok ang Top 12 entries na pinakamahusay na nagpakita ng sining at kwento ng komunidad ng Angat. Ayon sa Tourism Office, bawat isa sa mga napiling litrato ay nagpamalas ng inspirasyon at malalim na kahulugan ng "quiet courage" sa pang-araw-araw na buhay ng mga Angateño.
Bagama't kilala na ang labindalawang nagwagi, nananatili pa ring sikreto kung sino ang mapapabilang sa prestihiyosong Top 3. Inanunsyo ng tanggapan na bukas, ika-18 ng Pebrero, opisyal na ilalathala ang pangalan ng tatlong pangunahing kampeon sa kanilang official page.
Muling nagpasalamat ang Pamahalaang Bayan sa lahat ng mga nakiisa at nagbahagi ng kanilang talento, na siyang nagpatingkad sa pagdiriwang ng Buwan ng Sining sa bayan.








Comments