top of page
bg tab.png

PNP Angat, Tiniyak ang ‘Maximum Tolerance’ sa mga Pampublikong Gawain


Muling tiniyak ng Angat Municipal Police Station (PNP Angat) ang kanilang commitment sa paggalang sa karapatang pantao at malayang pagpapahayag ng mga mamamayan sa loob ng kanilang nasasakupan.


Sa isang pahayag, binigyang-diin ng himpilan na habang mahigpit ang kanilang pagpapatupad ng seguridad, mananatiling prayoridad ang pangangalaga sa right to free expression ng bawat indibidwal. Tiniyak ng PNP Angat na ang kanilang mga personnel ay mahigpit na susunod sa protocol ng "Maximum Tolerance" sa lahat ng oras, lalo na sa mga pampublikong pagtitipon at kilos-protesta.


"Layunin namin na balansehin ang pagpapanatili ng kaayusan at ang pagkilala sa batayang karapatan ng ating mga kababayan," ayon sa pamunuan ng himpilan. Kasabay nito, nanawagan din ang kapulisan sa publiko na makiisa sa pagpapanatili ng kapayapaan upang masiguro ang kaligtasan ng lahat habang isinasagawa ang kanilang mga demokratikong karapatan.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page