top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, Isinagawa ang Field Validation sa Brgy. Paltok at Taboc para sa mga Proyekto sa 2026


Ipinagpapatuloy ng Angat Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang kanilang serye ng pagsusuri sa mga kritikal na lugar sa bayan upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente laban sa banta ng baha at pagguho ng lupa.


Ngayong ika-16 ng Pebrero, pinangunahan ni G. Carlos R. Rivera Jr. (MDRRMO) at Engr.

Romeo Tigas (MPDO) ang Field Validation sa mga Barangay ng Paltok at Taboc. Ang aktibidad na ito ay bahagi ng estratehikong plano ng MDRRMC sa ilalim ng pamumuno ni MDRRM Council Chairman Hon. Reynante "Jowar" S. Bautista upang masiguro ang tamang implementasyon ng mga proyektong pang-imprastraktura.


Sa Barangay Paltok, ininspeksyon ng koponan ang lokasyon para sa Phase 2 ng Drainage Canal, na layong mas mapabuti ang daloy ng tubig sa lugar. Samantala, sa Barangay Taboc, sinuri ang itatayong drainage system sa Del Rosario Street at ang kailangang Slope Protection sa Purok 2 upang maprotektahan ang mga kabahayan mula sa panganib ng erosyon o pagguho ng lupa.


Nagpaabot ng pasasalamat ang MDRRMO Angat kina Kapitan Villamor Lazaro (Paltok) at Kapitan Edsel Lopez (Taboc) sa kanilang aktibong pakikipagtulungan sa validation team. Ang mga hakbang na ito ay bahagi ng layunin ng lokal na pamahalaan na makamit ang isang handa, ligtas, at panatag na bayan para sa bawat Angateño.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page