top of page
bg tab.png

Pamahalaang Bayan ng Angat, Nakiisa sa Pagsisimula ng Kuwaresma


Kasabay ng paggunita sa Miyerkules ng Abo (Ash Wednesday), nagpaabot ng isang makabuluhang mensahe ang Pamahalaang Bayan ng Angat para sa pormal na pagsisimula ng panahon ng Kuwaresma ngayong ika-18 ng Pebrero, 2026.


Sa isang opisyal na pahayag, binigyang-diin ng lokal na pamahalaan ang kahalagahan ng pagpapakumbaba. Ayon sa pahayag, ang mga abong inilalagay sa noo ay nagsisilbing paalala na ang tao ay nagmula sa alabok at sa alabok din babalik—isang panawagan upang kilalanin ang pangangailangan ng bawat isa sa biyaya at awa ng Poong Maykapal.


Bukod sa aspetong espirituwal, hinimok din ng pamahalaan ang mga Angateño na gawing inspirasyon ang araw na ito upang magpatuloy sa buhay nang may matibay na pananampalataya. Sentro rin ng mensahe ang panawagan na kumilos nang may pagmamahal, pag-asa, at malasakit sa kapwa, lalo na sa pagharap sa mga hamon ng pang-araw-araw na pamumuhay.


Ang paggunita sa Ash Wednesday ay hudyat ng 40-araw na paghahanda ng komunidad para sa Mahal na Araw, kung saan itinatampok ang pagninilay-nilay at pagbabalik-loob sa Maylikha.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page