top of page
bg tab.png

BPLO Angat, Nagdala ng Serbisyo para sa mga Negosyante sa MJSB

5 days ago
1 min read

Nakiisa ang Business Permit and Licensing Office (BPLO Angat) sa ginanap na Municipal Joint Services sa Barangay (MJSB) ngayong Setyembre 11, 2026, sa Antonio C. Capistrano Elementary School upang maghatid ng direktang tulong sa mga lokal na negosyante.


Sa naturang aktibidad, binuksan ng BPLO ang pagtanggap ng mga gustong sumali bilang merchants para sa inaabangang Food Park 2026. Nag-alok din ang tanggapan ng gabay para sa mga micro at small enterprises na nangangailangan ng pandagdag-puhunan, pati na rin sa mga mamamayang nagbabalak pa lamang magtayo ng sariling negosyo.


Bukod dito, naglaan din ng puwesto ang BPLO upang tugunan ang iba't ibang katanungan at usapin ukol sa mga umiiral na negosyo sa bayan. Ang inisyatibong ito ay bahagi ng patuloy na paglalapit ng serbisyo publiko ng Pamahalaang Bayan ng Angat sa mga barangay upang suportahan ang lokal na ekonomiya at mga maliliit na negosyante.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page