MDRRMO Angat, Magpapatupad ng Full Deployment para sa Ligtas na Undas 2026

Nagsagawa ng preparatory meeting ang Angat Rescue at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) sa pangunguna ni OIC-Municipal Administrator at MGDH I (MDRRMO) Carlos R. Rivera Jr. para sa paghahanda sa paggunita ng Undas 2026.
Inilahad ni G. Rivera ang komprehensibong plano at mga nakatakdang gawain ng ahensya upang tiyakin ang maayos at mabilis na pagresponde sa anumang pangkagipitan.
Ipatutupad ang full deployment ng Angat Rescue Team at Angat MDRRMO dahil sa inaasahang dagsa ng mamamayang dadalaw sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay. Maglalagay ng mga First Aid Station sa mga pampubliko at pribadong sementeryo, habang magkakaroon din ng roving, monitoring, at foot patrol para sa agarang pagtugon sa emergency.
Nagpalabas din ng paalala ang departamento sa publiko na bantayan ang mga bata, iwasan ang paglalaro ng kandila, huwag iwanan ang mga mahahalagang gamit, itapon ang kalat sa wastong lugar, at panatilihing sapat ang inuming tubig (stay hydrated).
Para sa anumang sakuna o pangkagipitan, maaaring makipag-ugnayan sa Angat Rescue Hotline sa mga numerong 0923-926-3393 o 0917-710-5087.










Comments