top of page
bg tab.png

Mga Gabay-Paalala para sa Ligtas at Payapang Undas 2026

2 days ago
1 min read

Nagsagawa ng pagpapaskil ng mga gabay-paalala ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Angat sa mga pampubliko at pampribadong sementeryo sa buong bayan bilang pagtalima sa inilabas na Executive Order No. 64, Series of 2026.


Sa atas ni Punong Bayan Igg. Reynante "Jowar" S. Bautista, naglagay ng mga Emergency Tent at First Aid Station sa mga pasukan ng sementeryo. Ipatutupad din ang "One Entrance, One Exit Policy" para sa mga tao at sasakyan upang mapanatili ang maayos na daloy ng trapiko at kaligtasan ng mga dadalaw.


Kabilang sa mga pangunahing alituntunin ang pagpapahintulot lamang sa mga vendor na may permit sa mga designated area, pagpapatupad ng "Basura Ko, Linis Ko", at ang mahigpit na pag-park sa mga tamang paradahan sa gabay ng Angat Traffic Management Office (ATMO).


Ipinapaalala rin na hanggang alas-8 lamang ng gabi ang pananatili sa mga pampublikong sementeryo, samantalang ang mga pribadong sementeryo naman ay may sariling patakaran. Mahigpit namang ipinagbabawal sa loob ng sementeryo ang pagsusugal, malakas na tugtog o karaoke, nakalalasing na inumin, pagpapalipad ng drone, at pagdadala ng mga armas o matatalim na bagay.


Ayon sa MDRRMO, ang disiplina at pagsunod ng bawat mamamayan sa mga alituntuning ito ay mahalagang susi upang makamit ang isang handa, ligtas, at panatag na paggunita ng Undas 2026 sa Bayan ng Angat.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page