Community Listening Sessions, Idinaos ng LYDC Angat para sa Boys’ and Girls’ Week 2026

Isinagawa ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat) ang tatlong serye ng Community Listening Sessions bilang bahagi ng pagdiriwang ng Boys’ and Girls’ Week 2026 na may temang "Voices for Good Governance."
Naging nakatutok ang mga talakayan sa tatlong pangunahing sektor: Maayos na Barangay, Kabuhayan at Oportunidad, at Kalusugan at Kapakanan. Layunin ng inisyatibong ito na bigyan ang mga kabataan ng mas malalim na pag-unawa sa tunay na kalagayan ng komunidad sa pamamagitan ng direktang pakikinig sa mga sektor na naaapektuhan ng mga pampublikong patakaran.
Kabilang sa mga nakatambal at nakapanayam ng mga kabataan ang sumusunod:
Maayos na Barangay: Sangguniang Barangay ng Niugan sa pamumuno ni Punong Barangay Roberto Maximo.
Kabuhayan at Oportunidad: Municipal Agricultural Office, Angat Farmers and Fisherfolks Association, Municipal Market Office, Pamilihang Bayan Association, at samahan ng mga Solo Parents.
Kalusugan at Kapakanan: Municipal Health Office, Barangay Health Workers, Municipal Nutrition Office, Lingkod Lingap sa Nayon, Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), Senior Citizens, at Persons with Special Needs.
Pinasalamatan ng LYDC Angat ang lahat ng mga sektor at tanggapang naglaan ng oras at nagbahagi ng kanilang karanasan. Ayon sa LYDC, ang mga kuwento at panawagang ito ang magsisilbing gabay ng mga kabataan upang bumuo ng mga makabuluhang solusyon at partisipasyon sa pamamahala ng bayan.










Comments