top of page
bg tab.png

BTEC 3rd Quarter Meeting 2026, Matagumpay na Isinagawa ng PESO Angat

Sep 8
1 min read

Matagumpay na idinaos ng Public Employment Service Office (PESO Angat) ang 3rd Quarter Meeting ng Barangay Employment Service Center (BESC) / Barangay Technical Education Committee (BTEC) ngayong Setyembre 8, 2026, sa Municipal Auditorium ng Angat, Bulacan.


Ang naturang pagpupulong ay nakatuon sa pagrepaso ng mga programa sa trabaho, pagsasanay, at pangkabuhayan na inilalaan sa bawat barangay. Tinalakay rin sa pulong ang mga kasalukuyang estratehiya upang mas mapabilis ang pagpahatid ng mga serbisyo ng PESO sa mga mamamayang naghahanap ng trabaho at nagnanais ng skills training.


Sa pamamagitan ng regular na ugnayang ito sa mga kinatawan ng bawat barangay, patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Bayan ng Angat at PESO ang suporta para sa lokal na labor market at employment generation sa buong bayan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page