Lakbay-Takbong Angat 2026: Pamilya at Pets, Inanyayahang Tumakbo sa Oktubre 17
- Angat, Bulacan

- 13 minutes ago
- 1 min read

Opisyal nang binuksan ng Pamahalaang Bayan ng Angat ang rehistrasyon para sa inaabangang Lakbay-Takbong Angat 2026 na gaganapin sa darating na Oktubre 17, 2026, sa Angat New Municipal Building at Municipal Grounds.
Mas pina-anyaya at mas pinarami ang mga kategorya ngayong taon upang makasali ang buong pamilya at ang buong komunidad. Kabilang sa mga kategoryang maaaring takbuhan ang 10K, 5K, 3K, Kids Run, at ang natatanging 1K Fur Babies para sa mga alagang hayop at kanilang mga fur parents.

Dahil sa limited slots lamang ang nakalaan, pinapayuhan ang mga interesadong mamamayan at mga tumatakbo na magparehistro agad sa pamamagitan ng pag-scan sa opisyal na QR code o pagbisita sa online registration link (https://forms.gle/nYeHv5brXRvWCeBMA).
Inaasahang magiging isa itong masayang pagtitipon para sa kalusugan, kalikasan, at pagkakaisa ng mga Angateño.









Comments