top of page
bg tab.png

MDRRMO Angat, BFP, at Angat Dialysis Center, nakiisa sa 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill

2 days ago
1 min read

Nakiisa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO Angat) sa ginanap na 3rd Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong Setyembre 10, 2026.


Katuwang ng MDRRMO sa pagsasagawa ng pagsasanay ang Bureau of Fire Protection - Angat Station (BFP) at ang mga kawani at pasyente ng Angat Dialysis Center.



Ang pakikiisang ito ay bahagi ng patuloy na pagsusulong ng pamahalaang bayan sa pagbuo ng isang handa, ligtas, at matatag na komunidad laban sa banta ng mga lindol, lalo na sa paghahanda para sa posibleng pagtama ng "The Big One." Sa pamamagitan ng pagsasanay, muling ipinaalala at isinagawa ang tamang pagtugon sa oras ng pagyanig tulad ng pampublikong pagsasanay sa "Duck, Cover, and Hold."


Nagpaalala rin ang MDRRMO Angat sa bawat pamilyang Angateño na maging handa hindi lamang sa mga tanggapan kundi pati na rin sa kani-kanilang mga tahanan sa pamamagitan ng pag-alam sa mga batayang hakbang sa kaligtasan kapag may kalamidad.

Recent Posts

See All

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page