top of page
bg tab.png

Papel ng mga Institusyon sa Mabuting Pamamahala, Bibigyang-diin ng LYDC Angat sa Boys’ and Girls’ Week 2026

Sep 8
1 min read

Muling magtitipon ang mga kabataang lider ng Angat ngayong Setyembre 9, 2026, sa New Municipal Conference Hall para sa isang oryentasyon at talakayan ukol sa pagpapatibay ng epektibong mga institusyon bilang pundasyon ng mabuting pamamahala.


Ang naturang aktibidad, na inianunsyo ng Angat Local Youth Development Council (LYDC Angat), ay bahagi ng patuloy na pagdiriwang ng Boys’ and Girls’ Week 2026.


Magiging pangunahing pokus ng programa ang pagpapalalim sa pag-unawa ng kabataan sa mahahalagang haligi ng pampublikong paglilingkod tulad ng transparency, accountability, integridad, at responsableng pamamahala.


Sa pamamagitan ng talakayang ito, mabibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na suriin kung paano nakikibahagi ang mga pampublikong institusyon sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan at kung paano makatutulong ang boses ng kabataan sa pagpapanatili ng isang maayos, bukas, at may pananagutang pamahalaan.

Comments


Angat_Logo.png

Republika ng Pilipinas

Pamahalaang Bayan ng Angat

Transparency_seal-01.png
FOI-logo.png

Scan the QR Code to install the app

qr code.JPG
PATULOY ANG A&R.png
bottom of page