School Visitation at Police Visibility, Isinagawa ng PNP Angat sa Kalinangan Integrated School

Nagsagawa ng School Visitation at Police Visibility ang mga tauhan ng Angat Municipal Police Station (Bulacan PPO - Angat MPS) noong Setyembre 9, 2026, simula 6:45 ng umaga sa Kalinangan Integrated School sa Barangay Marungko, Angat, Bulacan.
Ang naturang aktibidad ay isinakatuparan sa ilalim ng direktang pamumuno ni Police Major Joel M. Alba, Chief of Police ng PNP Angat.
Sa pamamagitan ng isang diyalogo sa mga administrador ng paaralan, tinalakay ng mga awtoridad ang iba't ibang estratehiya at paalala ukol sa crime prevention. Layunin ng patuloy na presensya ng pulisya sa mga paaralan na tiyakin ang isang ligtas, maayos, at panatag na kapaligiran para sa mga mag-aaral, guro, at kawani upang makapag-aral nang walang pangamba sa anumang banta ng krimen o kaguluhan.










Comments